Courses by Antares Programming
May bagong feature ang Antares Programming Web site: ang Courses.
Sobrang excited ako na i-announce sa inyong lahat ang bagong part ng Antares Programming project: ang Courses by Antares Programming. Basically isa itong ongoing series na may videos, code samples, at written articles na libre para sa lahat. Sa ngayon, tungkol muna ito sa HTML, na susundan in the near future ng CSS at JavaScript. Pero magkakaroon din dito ng series tungkol sa iba’t ibang topics gaya ng accessibility, Web typography, at ibang programming languages tulad ng Java at C#.
Una sa lahat, bakit?
Matagal nang nakaplano ang project na ito. Actually, simula noong 2018, ang taon kung kailan nagsimula ang Antares Programming, kasama na 'to sa mga planned projects ko. Sadyang hindi lang ako nagkaroon ng oras at financial resources para magawa ito. Naisip ko kasing ito ang pinakamagandang way para maabot ang goal ng Antares Programming na high-quality educational resources for Web development.
Nagsimula akong magplano last year, around November 2019. Dahil nga sa karanasan ko bilang teacher ng Web development at programming, mas naging confident na akong gumawa at maglabas ng content. Bukod pa riyan, dahil may trabaho na ako, kaya ko nang pondohan, kahit paano, ang buong Antares Programming project at ang equipment na gagamitin, na sa ngayon ay isang smartphone lang na may magandang camera (Samsung A30s).
Ang lalabas sa Courses by Antares Programming
At the time of this writing, hindi pa tapos ang Courses, pero gusto kong i-share sa inyo ang mga plano kong mangyari sa project na ito.
Video course
Alam kong karamihan sa inyo, mas natututo sa videos instead na sa written content. At dahil nga sa panahon ng pandemic, kailangan ko talagang gumawa ng digital content para sa mga estudyante ko sa highschool. Kaya ia-upload ko sa official YouTube channel ng Antares Programming ang mga videos para sa Courses. Karaniwan nang magiging maikli ang mga video na ito, mga 5 to 10 minutes bawat isa.
Code samples
Magkakaroon din kayo ng access sa mga code samples na gagamitin sa video. Ia-upload ko iyon sa official Github account ng Antares Programming.
Written articles
At siyempre may mga tao ring kagaya ko na hindi mahilig manood ng video tutorials. Para sa inyo, may mga written articles na kasama ang videos. Basically, mga transcript ito ng videos para puwede ninyong basahin na lang kung ayaw ninyong panoorin ang videos.
Downloadables
Magiging accessible din offline ang lahat ng resources na ito. Kapag natapos ko nang gawin ang bawat isang course, gagawin ko silang e-book para ma-download ninyo for free. Magkakaroon din ng kasamang cheatsheets ang mga e-book na ito para maging guide ninyo kapag may nakalimutan kayo. Bukod pa riyan, gagawa rin tayo ng way para ma-download ninyo nang libre ang mga video sa bawat course, para puwede ninyong i-download ang mga video sa computer shop o sa pisonet, halimbawa, at pagkatapos panoorin ninyo kahit wala kayong Internet.
Walang certificates na ibibigay
Hindi pa authorized na educational institution sa ngayon ang Antares Programming (alhtough sana one day maging gano’n tayo), kaya hindi pa muna magkakaroon ng certificates kapag natapos ninyo ang mga course.
Early access ngayon
Puwede mo nang ma-access ang Courses ngayon. Pero dahil under construction pa ito, puwede pa kayong makakita ng sirang layout, maling information, atbp. Sa ngayon, makikita ninyo na may lessons na ang course para sa HTML, samantalang wala pang laman ang sa CSS at JavaScript.
Official na magsisimula ang Courses sa .