Kailangan ang tulong mo

Nakakatulong ba sa iyo ang content ng Antares Programming? Puwede mo bang i-consider ang mag-donate?

Mananatiling libre ang lahat ng content ng Antares Programming. Kasama rito ang lahat ng blog articles, videos, at infographics. Pero siyempre welcome na welcome ang tulong ninyo, kung gusto ninyo. Sa post na ito, babanggitin ko ang ilan sa mga plano para makapag-raise ng pondo para sa Antares Programming. Wala pa sa mga ito ang final, gusto ko lang i-share ang mga naiisip ko. Kung may ideas kayo, puwede ninyo itong i-share sa Facebook page, at puwede n’yo rin kaming i-mention sa tweets ninyo (@antaresphdev).

Mga types ng donation

Patreon

May Patreon account nang naka-setup ang Antares Programming, pero hindi ko muna ise-share sa inyo. Pinag-iisipan ko pa kasi kung itutuloy ko ito dahil medyo malaking commitment ito para sa mga magiging supporters. May tatlong tiers ito: $1.00 (₱50.00), $5.00 (₱250.00), at $10.00 (₱490.00). Isa sa mga problemang tinitingnan ko sa ganitong setup ay ang tax. May binabanggit kasi sa Patreon tungkol sa tax. Kung may idea kayo tungkol sa taxes ng Patreon supporters, puwede n’yo akong i-message.

Direct donations

Siyempre, pinakamadali ang direct donations. Actually puwede na kayong mag-donate kung gusto ninyo. Sa ngayon, puwede kayong mag-donate via GCash. Mas maganda kung mag-iiwan kayo ng note na may pangalan ninyo para ma-mention ko kayo bilang pasasalamat, pero puwede rin naman kung gusto ninyong manatiling anonymous. Puwede ninyong ipadala ang donations ninyo sa number na ito:

0906 313 7462

Magse-setup din ako ng iba pang way ng pagdo-donate kung gusto ninyo. As always, open ang Facebook page at ang Twitter account ng Antares Programming.

Ibang types ng donation

Puwede rin kayong mag-donate ng mga bagay na hindi pera. Puwede kayong mag-donate ng libro na hindi n’yo na ginagamit, mga lumang devices, at iba pa na sa tingin ninyo puwedeng makatulong sa project na ito. Kung gusto n’yong magpadala ng ganitong mga device, puwede kayong mag-send ng message sa Facebook page o sa Twitter account namin.

Merch

Sa tingin ko masyado pang maaga para sa merch, at wala pang demand para dito. Pero isa ito sa mga kino-consider ko seriously. Kasama sa mga merch na ito ang mga stickers, t-shirt, at tumblers. Pinag-iisipan ko rin kung magkakaroon tayo ng printed copies ng mga e-book na ire-release ng Antares Programming in the future. Again, wala pang final sa mga ito, puwede kayong mag-suggest ng ideas.

Ang Courses

Napag-isipan ko ring gawin ang ginagawa ng elementary OS na tinatawag nilang pay-what-you-want. Bago mo i-download ang ISO file ng elementary OS, kailangan mo munang i-specify kung magkano ang gusto mong ibayad para sa operating system. Siyempre, puwede kang maglagay ng $0 dahil libre lang naman ito. Pero nae-encourage ang mga users na magbayad para sa service kung kaya nila, at makakapag-download pa rin ang mga users kahit wala silang pambayad.

Pinag-iisipan ko rin kung maglalagay ako ng ganitong feature sa Courses. Mananatili itong libre, pero puwede kayong magbigay ng kahit magkano para dito kung nakatulong ito sa inyo.

Saan gagamitin ang maiipong donations?

Karamihan sa pondong ito ay gagamitin para ma-improve ang videos ng Antares Programming. Gagamitin ito para makabili ng equipment, makahanap ng venue kung saan puwedeng mag-film, makapag-hire ng editor, etc. Gagamitin din ito para sa pagbabayad ng internet connection para sa pagda-download ng assets at pag-a-upload ng videos sa Youtube.

Gagamitin din ito para sa hosting ng files na puwedeng i-download for offline use. Isa ito sa mga problema ngayon ng Courses dahil hindi kayang i-host ng Github ang malalaking videos kaya hindi ito mada-download for offline access. Magiging malaking tulong ang donations para makapagbayad sa hosting ng videos.

Kailangan ang tulong mo

Siyempre, malaking tulong pa rin ang exposure. Sa taong 2020, goal natin na umabot ng 1,500 ang fans ng Antares Programming sa Facebook. Ang goal natin ay maabot ang pinakamaraming tao as much as possible. Kaya ’wag mag-alala kung hindi mo kayang mag-donate ng kahit ano; makatutulong ka pa rin sa pagse-share ng tungkol sa project na ito sa mga kakilala mo. Salamat nang marami!